THE GYPSY SWORE OUR FUTURE WAS RIGHT
dear FutureMe,
easter sunday ngayon, april 8, 2007. nag-iisa ako rito sa apartment dahil duty si jet at walang masyadong ginagawa kaya imbis na mag jakol ay sumulat na lang ako sa iyo. i’m sure you’re suprised to receive an email coming from a much younger you. nakalimutan mo na siguro na 20 years ago, bigla kang tinopak at sinulat mo ito, hoping that somehow, it will reach in you in the future.
it’s the year 2027 and you are now 61 years old. kung binabasa mo ito, rejoice! ibig sabihin ay malinaw pa rin ang mata mo and more importantly – buhay ka pa rin. packingsheet, how were you able to pull that off? nag work siguro ang pag hinto mo ng paninigarillo at hindi ka namatay dahil sa lung cancer.
siguro puti na ang buhok mo at nakakalbo ka na ngayon. malamang ay naiinis ka dahil amoy lupa ka na at hindi ka na pinagkakaguluhan ng mga babae tulad nung mas bata ka pa.
sana ay itinuloy mo na ang pagpapakalbo dahil alam mo naman ang patakaran natin pag dating sa buhok – it’s all or nothing. ayokong makita ka, isang 61 year old na matandang lalaking kalbuhin na pilit sinusuklay ang buhok galing sa batok papunta sa noo, tulad ng ginagawa ni joker arroyo. hindi yan cool.
kung itinuloy mo yung simimulan ko noon, in good shape ka pa rin siguro. sana naman ay hindi malaki ang tiyan mo at wala kang high blood at diabetes. sayang naman ang ginagawa kong pag diet at pag exercise. hindi biro ang ginagawa kong pag takbo araw-araw. malaking sakripisyo rin ang hindi ko pagkain ng mga paborito kong ulam. alam mo naman na ginagawa ko ito para sa iyo dahil gusto ko pagdating ng age 60 ay mahusay pa rin ang plumbing at tigas titi pa rin. o ano, tumigitas pa rin ba? i sure hope so, otherwise pakamatay ka na. hehehe, joke lang. baka tutuhanin mo naman.
sixty one is not a bad age. i hope you agree. sana ay puno pa rin ang buhay mo ng pag-asa at tuwa. sana nakamit mong lahat ang mga pinangarap ko. alam mo, simple lang naman ang gusto natin sa buhay – ang makitang masaya ang buong pamilya at mabuhay ng tahimik sa isang malaking beach house, katabi ng dormitory ng mga playboy model. o sige, kahit wala nang mga playboy model sa eksana, basta sana ay masaya ka ngayon.
nagtatrabaho ka pa ba? kung may career ka pa rin ngayon, malapit ka na sigurong mag retire. saan mo balak pumunta? gusto mo pa rin bang umuwi sa pilipinas? bibilhin mo na ba ang retirement home sa davao overlooking your favorite mount apo? gusto mo pa rin bang magpunta ng australia? pangarap mo pa rin bang mag settle sa new zealand? kung ano man ang piliin mo, sama akong lima sa iyo.
kamusta na ang mundo in 2027? mahal na siguro ng gasolina ano? iniisip ko nga, baka over $10 a gallon na ang super unleaded. pero naiisip ko rin, baka nga hindi na uso ang gasolina in 2027. sana, basura na lang ang nilalagay sa mga kotse, tulad ng ginawa ni doctor emmett doon sa “back to the future“.
o siya, hindi na ako magtatagal. ihalik mo na lang ako kay jet. alagaan mo siyang maigi at paki sabi na lang na mahal mo pa rin siya kahit maputi na ang buhok mo sa betlog.
ingat pare ko and keep on rocking (hopefully not in a chair),
PastMe









Parekoy,
i pray that you will still be the “Batjay” who we all know when you reach 61, making us laugh (till we fart to the max) through your blogging…
pano nga kaya ano? 61 ka na and still blogging, ano kaya ang trip ng generation by then? i hope they will have the sense of humor as our generation..
Bossing i think you forgot to mention you “writing career”, ilang sequel na kaya ang “Kwentong Tambay” by then? sana wag mo kalimutan yon ha…
ano ba ito, parang bigla akong nalungkot..
oo nga, pati ako, parang nalungkot bigla nang hindi maintindihan jay.
parang pag isipin ko na 20 yrs from now, magkakakilala pa sana rin tayo ano? at yun nga, marami ngang sequel na ng KT magpapainit ng tambayan ng puso nating lahat
hi lara and bongK. oo nga, pag umabot ako ng 61, masaya na ako. i hope i grow old as gracefully as my mom. 83 na siya pero groovy pa rin at malakas pa.
you WILL be groovy jay i know it
ikaw fa!
Ang ganda naman ng sulat mo Pa. With a letter like this, in case your 61-year old self forgets… this letter will remember the rocker that you are at 40… keeping it cool, riding the waves, and simply enjoying life as it comes.
May you grow old the way you are keeping young today.
thank you mylab. sana pag 61 na ako ay nakatira na tayo sa dream house natin. pero ok lang kahit wala, basta you grow old with me.
lab U!
61? kaya mo yan Tyong di ka namn mabait eh, he he he…(KIDDING) Accordingly, one secret of a healthy long life is being JOYFUL and proper dieting. Now, that you have both, where can it go wrong? Ngapala, “BELIEVING.”
bwehehehe – only the good die young. joyful, yan ang parati kong disposition. napansin ko kasi, mas bata akong tingnan sa mga kasama ko rito.
its nice all the message in blogkadahan,, very inspiring.
hi,im vine,i read the article in the blogkadahan,its very nice,inspiring to me, and very have a sense of humor any one who write,, keep this very inspiring..gud luck to all
hope us we grow old anything that we want in our life ,make it possible specially our dreams that we did`nt do anymore when we have old age so keep it up to drems..
Leave your response!
Love Quotes and Sayings
A Photo A Day
More Photos
Categories
Recent Posts
Recent Comments
The Blogkadas
Recent Visitors
Add Us!
Tag Cloud
Most Commented
Archives