2007
Movement seems to be the theme of Ruth’s 2007. As she puts it, her year has been a rollercoaster. There have been wild dips and unexpected turns, but there was also the thrilling anticipation of what those uphill climbs would bring and the exhilarating feeling that follows. Not everyone can stomach the extraordinary speed and surpises a rollercoaster can bring, but she carries through beautifully with her hair flying in the wind, her arms up in the air, her heart open to and thankful for this amazing ride of a year.
malungkot ang pagpasok ng 2007 sa akin. isang araw bago magpalit ng taon, nasa alapaap pa ako, pabalik ng germany, makaraaan ang ilang linggo sa pilipinas. unlike my previous visits to the philippines, mas grabe ang bigat ng dibdib ko nung time na ito, dahil alam kong yun na malamang ang huling paskong makakasama ko ang tatay ko. dahil dito, very sombre ang naging pagsalubong namin sa 2007.
pag pasok ng pebrero, aba, parang nag-iba ang ihip ng hangin. interview, offer of employment, signing of contract. ang bilis! yung tatlong taon naming pinapangarap at inaasam na makakuha ng trabaho ang asawa ko at mapalipat kami ng singapore, sa wakas matutupad na!
kung ano’ng pagbulusok ng emotions ko nang nakaraang buwan, sya namang pagbagsak nito pagdating ng march nang sumakabilang-buhay ang tatay ko. nagpapasalamat ako sa pagkakataon na nakasama ko sya ng ilang linggo before he passed away. nagpapasalamat ako na hindi sya masyadong naghirap, na maluwat nyang natanggap, matapang na hinarap ang kapalarang naghihintay sa kanya. hanggang sa huli, he taught me lessons in dignity, courage, love and selflessness.
pag dating ng april, hala, hilong talilong na ako. empake dito, tapon doon. nagpapasalamat ako na halos lahat ng mga gamit naming di naman kayang dalhin sa singapore, naibenta namin at yung mga hindi, naihanap namin ng mga sasalo.
bago matapos ang mayo, humirit ako ng lakwatsa, kasama ang ilang mga kaibigang mananayaw ng tinikling at pandanggo-sa-ilaw. nagpunta kami ng rome at nakituloy sa isang kakilala ko namamasukan bilang katulong doon. sa mahal ng hotel sa rome, aba sino’ng di magpapasalamat sa libreng tirahan? very thankful din ako sa chance to see the basilica, the vatican museum atbp. ngayon, mas naiimagine ko na yung mga da vince code-type of novels na kinahuhumalingan ko ngayon.
june nang kami’y lumipad papuntang singapura. kagulo ang buwan na ito, pero i’m proud to say na maayos naming iniwan ang germany nang walang masyadong unfinished business. uneventful ang flight, nagtulog lang ang anak ko at maayos kaming nakarating sa singapore, handang harapin ang bago naming pakikipag-sapalaran. maswerte rin kami dahil narito rin ang bayaw ko, at mayron kaming pansamantalang natuluyan habang kami’y naghahanap ng sarili naming apat na haligi.
kalagitnaan ng july, lumipat na kami sa flat namin. bagama’t dumating kami sa singapore sa panahong nagtataasan ang upa sa bahay, masaya kami sa natagpuan naming tirahan. very convenient ang location and it had everything what we wanted. nagpapasalamat din kami sa kaunting tulong pananalapi mula sa aking mga biyenan na sya naming ginamit pambili ng ilang mga kagamitan sa bahay.
pag patak ng agosto, nag-simula ang anak ko sa kanyang bagong paaralan. buti na lang at nagustuhan nya doon at naka-adjust naman kaagad sa tulong na rin ng mga bagong kaibigan. kalahati lang ang binabayaran naming school fee bilang benepisyo ng asawa ko sa trabaho. nagpapasalamat din ako at napatapat sya sa isang teacher na kuhang-kuha ang quirks at ugali ng anak ko.
september came the greatest news of the year. nalaman naming, sa loob na lang ng ilang buwan pa, magiging apat na kami. tuwang tuwa ang mag-ama ko, lalo na ang aking anak, who turned 5 nitong buwan ring ito. di pa man, feeling kuya na talaga.
october, maraming pangyayari. nadagdagan ang aking kinikita sa aking mga online na trabaho. ewan ko ba, kahit na ang dami naming gastos, parang kahit papano, natututustusan naman namin lahat ng mga pangangailangan namin. di ko nga alam actually how we stay afloat, pareho kasi kami ng asawa kong ayaw magcompute-compute. pero parang sa tuwing kakailanganin namin ng pera, may dumarating na grasya.
november is still starting pero ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa pagkakataong makapiling naming muli ang aking father-in-law who’ll be visiting us towards the latter half of the month. ang dami kong habiling padala sa kanya, haha!
sa pagtatapos ng taon, alam kong 2007 will be a very memorable year for me. di pa nga natatapos, feeling ko, parang lahat na ata ng extreme na emotions, dinaanan ko na ngayong taon na ito. daig pa talaga ang roller-coaster, dahil bukod sa taas-baba, parang ang bilis talaga ng pag-daan ng taong ito para sa akin. alam kong years from now, i will look back to 2007 and see it as one of the most crucial, most eventful, most meaningful, most poignant year in my life.
salamat, 2007, sa mga alaala.









ang galing nito, ruth. congratulations sa balitang nagdadalang grasya ka
and marami pang congratulations sa mga biyayang bumagyo sa buhay mo itong taon na ito. nakikiramay din ako sa mga nangyaring kapighatian… sa dulo ng lahat, i’m just so proud of you, proud i know you, happy for you.
[...] 2007 is possibly the most eventful year in my life. like 1998, this year has been another major turning point. the pain, the sorrow, the adventure, the expectations, the joy. 2007 has stamped me, shaped me, transformed me into a yet another version of me. and for all these, i am thankful. [...]
As His precious jewel, He continuously shapes us in our best form. He did not create us to enslave us to suffering. But look, didn’t you notice, that after all the what we call trials, we see the light at the end of the tunnel. May you be blessed more in bountiful, physically, financially and peace in life. Maligayang Pasko pu quecongan.
looking forward to your new baby! sana girl naman
Ganun ba talaga yun? When we are in grief, life steps in to preoccupy us with something else maybe so we do not dwell? Kasi nung namatay din ang brother ko, pagbalik ko papalipat na kami and there was so much to do I did not have time to dwell. Somehow, that made it easier. Maybe life is really kind, after all.
You’re rhetoric is right on. A roller coaster indeed. O di ba, ngayon masasabi mo… I survived the 2007 ride.
[...] 2007 Movement seems to be the theme of Ruth’s 2007. As she puts it, her year has been a rollercoaster. There have been wild dips and unexpected turns, but there was also the thrilling anticipation of what those uphill climbs would bring and the exhilarating feeling that follows. Not everyone can stomach the extraordinary speed and surpises a rollercoaster can bring, but she carries through beautifully with her hair flying in the wind, her arms up in the air, her heart open to and thankful for this amazing ride of a year. [...]
Leave your response!
Love Quotes and Sayings
A Photo A Day
More Photos
Categories
Recent Posts
Recent Comments
The Blogkadas
Recent Visitors
Add Us!
Tag Cloud
Most Commented
Archives