Home » Thank You 2007

Nauubos din ang malas

5 November 2007 11 Comments

While we acknowledge our mortality, it is always unexpectedly painful when loved ones pass on and leave a gap in our lives. These holes will never be filled, but nevertheless we strive to be strong and make life go on. While autumn leaves crumble and fade way, the promise of spring blossoms lightens our hearts and reminds us of the beauty of our lives, despite its impermanence. And so we live, laugh, love and let life unfold, welcoming the blossoms of spring without forgetting the coldness of winter. Tito Rolly shares this with us.

There are a lot of things I have to be thankful for in 2007. Unang-una na ay ang pagkatapos ng 2006. Napakalungkot ng aking 2006. Apat na mahal ko sa buhay ang nawala sa akin. Unang-una na rito ay ang aking “mommy” na kapatid ng aking ina. Hindi ko alam kung paano nangyari pero nakalakihan na naming magkakapatid ang tawag na mommy sa kanya. Sumunod ay ang aking malapit na kaibigan dito sa aking pinagtatrabahuhan na si Joji na pumanaw na hindi ko man lamang nadalaw ang burol sapagkat ako’y nasa Canada nang siya’y bumigay sa karamdamang cancer. Mas lalong mabigat ay ang pagpanaw ng aking pinakamalapit na kaibigang Canadian na si Arlene na nagturo sa akin ng karamihan sa aking nalalaman ukol sa pagtula at nagbigay sa akin ng experience upang makapagbigay ng aking unang-unang poetry reading sa Canada nuong 2001 kasama ang aming mga kaibigang manunula mula sa Canada at Estados Unidos.

Pinakamalupit sa lahat ay pagkatapos ng labing-limang pagdadalamhati sa aking kaibigan ay ang pagpanaw naman ng aking ina. Parang sinakluban ng buong langit at lupa ang aking mundo sa pagpanaw niya. Siya ang aking naging gabay sa buhay na ito at siyang nagpalaki sa akin kung anumang kabutihang aking taglay sa ngayon.

Kaya naman nuong pumasok ang 2007 ay maluwalhati ko itong tinanggap at sabi sa sarili na siguro naman ay tapos na ang mga dagok na ibinigay sa aking buhay. Me kasabihan ang mga intsik nuong unang panahon na ang buhay ng tao ay nahahati sa tatlong taong kamalasan at anim na taong swerte. Malay natin, ito na iyong umpisa, diba?

Anyway, sa pagpasok ng taon, maraming nangyari sa akin. Una na rito ay muli akong nakapaglakbay tungo sa Thailand, kasama ang aking mga kaibigan sa aking paaralan. Nauna na rito ay ang pagba-bonding naming pamilya nuong mag-celebrate ng kanyang kaarawan ang aking maybahay sa “Balay sa Indang” kung saan kami ay nag-overnight. Sumunod ay ang aming pagpunta sa Hundred Islands, kasama ang aming extended families. Napakasaya namin nuon at ang aming naging host ay walang iba kundi ang gwapong alkalde ng bayan na si Nani Braganza.

Maayos kong nairaos ang aking trabaho at patuloy akong nag-eenjoy sa pagtuturo bagama’t ito ay 22 taon ko nang ginagawa. Ang aking mga anak ay patuloy na nagsisikap at naghahanda para sa kani-kanilang kinabukasan. Ang aking panganay ay nagtatrabaho na, ang aking pangalawa ay maayos na napagsasama ang kanyang pag-aaral at ang kanyang hilig sa pagtugtog ng violin sa orkestra. Ang aking pangatlo ay nasa kolehiyo na habang ang bunso nama’y kasalukuyang nag-papractice ng kanyang mahal na sport na basketball.

Ako ay biniyayaan pa ng mga bagong kaibigan at lalong nag-umigting ang pakikisama sa mga datihan ng mga kaibigan. Kasama na rito ang ilan sa naging mga estudyante nuon na ngayo’y kasamahan na sa trabaho.

Sana ay magpatuloy ang ganda ng 2007 hanggang sa ako’y tumanda. Yun na!

About TitoRolly

11 Comments »

  • ajay said:

    Sana ako rin katulad mo Tito Rolly, enjoy pa rin sa trabaho kahit 22 taon nang ginagawa. Congrats sa 2007 achievements mo.. sana magkitakits bago matapos ang taon.

  • Ruth said:

    ok na sana pero parang ang labo nung last sentence: “Sana ay magpatuloy ang ganda ng 2007 hanggang sa ako’y tumanda.”

    eh di ba, matanda ka na, tito? hehe

  • Tatz said:

    Grabe ka Ruth, ansakit mong magsalita he he he. Dama ko rin Tito Rolly ang hapdi ng mawala ang kahulihuliang magulang. Feel ko noon para akong sisiw na iniwan sa ibabaw ng mesa… ala lang, parang ang laki ng kulang sa buhay ko. Parang pansamantalang nawalan ng saysay ang lagi kong asam na tagumpay sa buhay, na kahit batid ko na di naman niya halos maintindihan kung ano na ang estado ng buhay, siya pa rin ang tumayong aking inspirasyon. Pero humupa din ang kalungkutan sa kalaunan, sa paniniwalang mas tahimik ang buhay sa dako pa roon. Pero, sa iyo Tiyong, maraming pang mga biyaya ang dadagsa pa sa iyong pamilya. Ano pa nga ba’t tinatamasa mo na ngayon ang tuwa’t ligaya sa piling ng iyong mga supling. Itagay mo!

  • joyce said:

    naluha ako dun ah…masyado kasi ako’ng sentimental, na pag may taong importante at nawala sa buhay ko, dinadalaw talaga ako ng lungkot…ganon din kaya ang ibang tao? naalala ko tuloy si Ms. Joji…
    on the other hand, maganda naman ang mga pangyayari sa buhay mo this year. ika nga, “the Lord gives, the Lord takes away. Blessed be the name of the Lord!”

  • mari said:

    tito rols, you have a great family. talented pa ang mga anak mo. 22 years of teaching is a feat. you have touched a number of lives with your teaching and your paintings, too. sana makapag-exhibit ka na someday. inaabangan namin yan.

  • Jet said:

    Ang tindi ng dinala sayo ng 2006. Kung ako yan siguro nagmamakaawa na ako, ‘Tama na please. Tama na.’ You know that I lost a brother just recently at hirap na hirap akong maka-recover dun. Di ko nga alam kung naka-recover na ako. And even with that, I still can’t imagine how it was for you.

    But you’re a survivor and you’re a winner. 2007 has proven that. Like they say, you can’t put a good man down. With all the losses, everything you still have… family, friends, a lifetime’s work, health… only becomes more valuable. As they should be.

  • svelterogue said:

    tito rols, elibs talaga ako sa inyo. 22 years in a job that you love na hindi drudgery sa iyo. i remember nung 3 years pa lang akong nagtuturo, burned out na pakiramdam ko.

    tapos you have pa your wonderful kids… and i can hardly keep up with only two of my own. nakopo, ang dami ko pang memory archiving kailangan gawin with the second one!

    as for your 2006, i echo jet’s sentiments. i have lost my grandparents and in laws but not really people whose lives have clawed into my innards… and when that happens, i still have to see how i will cope, if at all. i pray for you and jet always, to accept all pain and trials with soft sighs.

  • Wifely Steps » Blog Archive » Thank you 2007! said:

    [...] Nauubos din ang malas While we acknowledge our mortality, it is always unexpectedly painful when loved ones pass on and leave a gap in our lives. These holes will never be filled, but nevertheless we strive to be strong and make life go on. While autumn leaves crumble and fade way, the promise of spring blossoms lightens our hearts and reminds us of the beauty of our lives, despite its impermanence. And so we live, laugh, love and let life unfold, welcoming the blossoms of spring without forgetting the coldness of winter. Tito Rolly shares this with us. [...]

  • fretz said:

    sana nga maubos ang malas….. pano nman sa katulad q sana swertihin nman aq balang araw, kc bata pa aq parang malas na aq sa pamilya at sa katayuan naming mag-ina, walang bahay, indi pa aq nakagraduate sa koleyiho dahil sa tatlong subject lng at tapos may trabaho na aq ngayon pero hirap kc ung kinikita q puro pambayad sa utang hay ang buhay nga nman …. sana dumating ang swerte sa buhay q….pray niu aq ha :D

  • r a i said:

    hay naku sana nga matapos na rin mga kamalasan sa buhay2 ntin..puro na lng skit sa ulo at problema!
    my trabaho nga, indi nmn mka pg ipon..my gf nga indi nmn mahal,sana mtapos na puro dagok sa buhay..at suntok sa buwan! Godbless..thnx for sharing tito roly

  • rai said:

    sana nga po matapos na at maubos na ang malas..e2 malas prin! walang pinag bago, simpleng bagay na gsto ko. indi pa magawa, indi pa matapos..hay naku, tama na pls! indi ko na kaya..

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.