Thank you po talaga!
Be it something as minute as a tea bag or as grand as friendship, we are always showered with something good. This is why there is always something to be thankful for in our lives. Tatang Rome shares with us what he is thankful for in a style all his own — funny, graceful and positively cheery.
Ay andaming bagay na dapat ipagpasalamat. Halata ba ang excitement? First, sa aking family, health, friends…. Anubesh, para akong nasa FAMAS awards’ nite. Pero onga, ako ang taong sa lahat na lang very thankful lagi. Sa air, flowers, beasts, animals, people on the street, kaaway na mortal, kaibigang grabe. Sa tsokolate, sa cape o kahit na sa tsaang halos ikawalong tasa na yatang salin ang iniabot sa akin. Sa mga ariarihan, sa dahtung na aking binibilang (na di naman akin) at sa kababaangloob ko na minsan umuusbong na kahit alam ko naman na todo ang kagrabe sa katarayan. Oi, di ako bading noh, tunay ito, tunay na babae. Pak* sabay batok ni Esmi, na para bang nagwiwika…. maniwala kayo dyan, sobrang babaero. Sagot ko lang, sagwa naman yata kung manlalalaki ako noh. Erase,erase natin ang kasensoran. Kesehodang lumantik kase ang daliri ko habang nakikipagtaltalan ako sa mahal kong Esmi. Oi, proud yan at andito pa ako sa piling niya, kahit alam niyang ehemmmmm. Takot lang niyang mawalan ng asawang hawig ke Elvis. Pak* (batok ulit) pero this time galling ke Tata (sumalangit nawa), sabi niya kase agi, e paano ka magigng kahawig ni Elvis e, ke liit mo, pango na ang ilong at kung kumanta, akala ng mga alaga nating mga manok, baboy at mga ipis at daga sila ang tinatawag mo. Sige na nga po, El Vicente na lang.
Hemingwei, mis bruney, tuloy na tayo sa main topic for tudey. Tenk yu!
Truth and kidding aside, there are so many things I have to be thankful about. Other than what I have previously stated, I am thankful for the Blogkadahan, you guys are really giving one another a great vibration. Thankful for the job, na patuloy pa rin natutustusan ang aking pangangailangan sa buhay. At higit sa lahat sa aking kalusugan, katawan, isip at diwa. At siyempre sa mga biyayang alay ng Maykapal.
Salamat nga pala na mabigyan ako ng pagkakataon para masimulan ang pagpapatayo ng Chapel of St. Gabriel, kahit di pa siya natatapos. Sa mga taong tumulong sa akin para sa katuparan nito. Salamat na rin sa mga taong may pagnanasang tumulong para ito’y mapatapos ko na sa madaling panahon. At higit sa lahat, sa PANGINOON na patuloy na nagbibigay ng biyaya sa aking mga pangangailangan. At sa pangkalaatan ng aking buhay, MARAMING SALAMAT!









haha, tatang, lumalabas ang tunay mong pagkatao! napakalaki ng puso mo
ikailang simbahan na ba yan Tatz? Baka naman susunod cathedral na. Thanks for making a mircale happen too.
Thanks sa comment Ruthie, and Ca t, I didn’t do it, I was just an instrument to it. Praise God in all ways Ca t! BTW, eto pa rin yung sinimulan ko since 2001, napalaking masyado he he he, nauubusan tuloy ng contributors, pero pasasaan ba at matatapos din. Me pera naman, kaya lang nasa bulsa pa ng mga dapat mag-contribute…he he he. Maligayang Pasko po sa inyong laat!
tito romes, natatawa ako sa mga chuvaness chenes chenebelles mo.
kidding aside, thanks for the kind words and the gentle reminders. appreciate it.
I only take the opportunity Mari…. isa rin akong natapilok sa nakaraan at siyempre nangyayari pa rin yun sa buhay nino man. Kung maituturo ko sa iyo ang kanal sa gitna nang baha, hanggat maaari maiiwas kita, kaibigan ka man o hindi. Sana lang wag bigyan ng ibang pakahulugan. Ingatz! thanks nga pala po sa comment.
tatang, you are a superman. a chapel? how can i help? i know you would appreciate the monetary help… but apart from that (hehehe iwas pusoy ba?), i know you need tons of prayers? i can do that!
tatang, know that i still cherish those 2 seconds of forever in that nice café in manila when i finally met you! i hope i have been able to dispel some of the not-so-nice feelings you may have had towards me… or you can ignore this entire post as the ramblings of a girl in belgium who’s had three beers in one night! too much! now i can’t sleep because i have to drink lots of water to balance the alcohol. hic!
i will still pray for you and your great projects, tatang.
Lara-babe, thanks for a great thought, moreso on prayers. And “NO”, I have nothing to dispel, kase naman I do not have anything negative against anyone, sa iyo pa kaya. True naman at kailangan pa ng sandamakmak na tulong, but in His name darating din ang araw makokompleto na siya. BTW, the altar is currently in progress. Love you gel!
‘Ay andaming bagay na dapat ipagpasalamat.’ – Alam mo ba nung mabasa ko itong first sentence mong ito, parang dinig na dinig ko kung paano mo sasabihin ito sakaling naguusap tayo sa telepono… ikaw na ikaw ang dating, at least the way I know you… hehe. Ngayon nga parang nadidinig ko yung tawa mo in between sentences e, tawang parang laging kinikiliti hehe.
God bless you for your big heart Tang. God has made you such a blessing to us.
The blessings I got in return is equivalent to the number of Berks or more po, Ateng Jet. Maligayang Pasko po sa inyong lahat, sampu ng inyong pamilya o labing isa’t higit pa!
[...] Thank you po talaga! Be it something as minute as a tea bag or as grand as friendship, we are always showered with something good. This is why there is always something to be thankful for in our lives. Tatang Rome shares with us what he is thankful for in a style all his own — funny, graceful and positively cheery. [...]
Leave your response!
Love Quotes and Sayings
A Photo A Day
More Photos
Categories
Recent Posts
Recent Comments
The Blogkadas
Recent Visitors
Add Us!
Tag Cloud
Most Commented
Archives